anokungpanghent

maganda naman.

Friday, September 22, 2006

batang bata ka pa

"batang-bata ka pa at marami ka pang
kailangang malaman at intindihin sa mundo
yan ang totoo
nagkakamali ka kung akala mo na
buhay ay isang mumunting paraiso lamang..."

LSS ako sa kantang yan ng apo -- more specifically sa cover ng sugarfree, [for Kami nAPO Muna tribute album] simula nang mapanood ko ang video ng performance nila sometime last week sa myx. nakakaloko talaga kapag ilang linya lang ang alam mo sa kantang nabiktima kang i-lss. nagiging sirang plaka ang dating. almost every 10 seconds, balik ka sa simula ng alam mong lyrics.

~

nagb-blog hopping (ang dependable past time ko, which eventually made me create this..ahm..blog, if i may say) ako kanikanina lang, at narealize kong . . . antanda ko na nga talaga! whooo!

hindi naman literal na matanda, (hindi pa yata ako under the young adults bracket. teenager pa ako, hah!) kapag lang kasi naghahanap ako ng mababasahang blog, i keep on ending up at 15 - 17 year old's (kala mo ang layo ng agwat ko sa kanila) blogs na talaga namang akala mo e nilay-out at sinulat ng propesyunal. they probably just have all the time in the world, di tulad ko na hirap makapuno ng 5 oras ng tulog.

either that, or talaga lang they take blogging seriously. i mean they put time and effort to make sense out of what they blab about. tama naman talaga yun. kasi kung hindi naman reader-friendly ang nasusulat mo, then magiging blog for emotional release lang talaga ang espasyo mo. (which of course ay isa ring purpose ng blog)

~

hindi na talaga sa edad nasusukat ang mga bagay bagay. ayon nga sa 20 Questions ni Juan Ekis,

(conversation excerpt)

YUMI: Maturity has nothing to do with age.

JIGS: But it has a lot to do with time.

parehong tama ang dalawang karakter na to. di mo maiiwasang mapagkabit ang isa sa isa, pero magkaiba sila. para sakin, magkaiba sila.

~

"..batang-bata ka lang at akala mo na
na alam mo na ang lahat na kailangan mong malaman
buhay ay di ganyan
tanggapin mo na lang ang katotohanan
na ikaw ay isang musmos lang na wala pang alam..."


~

nyaks. random thoughts lang to. major lss.

3 Comments:

  • At 9/23/2006 7:53 AM, Anonymous Anonymous said…

    hay ate, ako hirap din maglagay ng may sense sa blog ko... haha...

    hindi ka pa naman matanda e... wag kang maniniwala kay harvey kapag inaaway ka niya sa age mo... mukha ka pa ngang mas bata kesa sa akin eh! streeeessss!

    secret ba itong blog mo? kung secret, pede mo ako ilagay sa links mo(yung bago) pero kung hindi naman, tandaan mo na lang sa utak mo yung URL ko.. hehe

    ilalagay ba kita sa links ko??

     
  • At 9/23/2006 9:28 PM, Blogger panghent said…

    aun talga, hindi daw ako matanda pero in-ate mo rin ako..haha joke lng.. =P oo nga, bata pa tayo!!

    hindi secret eh, hindi ko pa nga lng napapakalat tong url ko..hehe, memorize ko url mo..dalaw ako lagi dun! hehe..

    ok lang? lagay moko? =)

     
  • At 9/23/2006 9:38 PM, Anonymous Anonymous said…

    oo naman!!! :D

     

Post a Comment

<< Home