anokungpanghent

maganda naman.

Sunday, September 24, 2006

mura ka lang ba?

birthday ng kapatid ko ngayon..mabuhay! pareho na kaming 18 years old. next month, ako naman ang aabante. haha. saya no? abutan ng age..tumatanda na nga ang mundo..naku, teka, ito nanaman, usaping edad na naman.

kagagaling lang namin ng simbahan, at natuwa ako sa sermon ng pari..nabanggit niya pa ang major lss (hanggang ngayon pa rin grabe) ko na naging topic pa ng aking previous entry..ang batang bata ka pa ng apo.

tungkol sa mga bata kasi and how God favors o likes kids yung homily. nakakatawa yung mga examples niya dahil naremind talaga ako ng kabataan (naks) ko.

ang mga bata daw, kapag hindi makadumi, makikita mong na sa may pinto ng cr ang nanay nila.

"uu..uu..uu na yan...." <-- moral suport na kailangang marinig ng tiyan mo at tiyak ang paglabas niya.


kapag hindi naman daw ma-ihi, "shh..wshswshshhhwsshshshsswhh.." lang ang katapat niyan. freeflowing na ang unwanted liquid ng sistema mo.

laftrip. andaming bumalik na memories tungkol sa younger days.

~

ang mga bata kasi, mura lang. madaling tapatan.

"tama na iyak, bili tayo mcdo mamaya"

"o wag kang malikot, bebenta kita sa bombay."

kahapon, nang bigla akong pinaospital before ng finals ko sa ES dahil sa matinding pantal na nafoform sa mata ko (wag ko na lang idescribe, may cr talk na nga may maiimagine ka pa) narinig ko habang naghihintay ng turn ko kay doc ang mag-ama sa harap ko...

"wag kang maingay, isusumbong na kita sa guard. lagot ka sa batuta niyan."


simpleng simple, tameme si kuyang malikot.

~

sa kabilang dako, ang mga matatanda kasi, mahal na.

hindi na pinagdiinan to ni father. pero totoo naman. marami na kasi sigurong pinagdaanan ang matatanda. "experienced" na ika nga nila. lalo na yung matatalino, mga sikat, may posisyon, may kapangyarihan.

mga dakila.

ang mamahal nila, kahit na hindi naman talaga.

~

ako, maraming moments na napaka mahal ng tingin ko sa sarili ko. may kayabangan din kasi talaga ako. aminado naman ang panghent na to. hehe. pero i at least acknowledge. its a start diba? may mga nakasagutan (understatement) pa nga akong classmates dahil jan eh.


ayoko nang maging mahal. hassle. daming nakakabangga. siguro, magpapaka mahal mahalan na lang ako kapag alam kong kinakailangan nang magkaalaman ng punto. lets just say na hindi naman kasi ako dormant person. pero talaga, itatry ko nang maghold ng sale sa presyo ko. baka dumating ang time na wala nang magtiyaga sa katarayan ko.

ikaw. magkano ka ba?

6 Comments:

  • At 9/24/2006 8:14 PM, Anonymous Anonymous said…

    ako? mahal din ako.. haha..

    pero tama ka talaga, mura pa pag bata. mahal na pag matanda na.. siguro dahil na rin napakacomplikado ng mga matatanda. minsan nga nakakalito na rin eh, sino ba ang nagpapakumplikado sa buhay?

    kaya tuloy minsan, ayoko pang tumanda, pero naisip ko rin, di rin naman maganda kung forever kang bata. importante pa rin naman ang complexity sa buhay. hehe

     
  • At 9/24/2006 10:38 PM, Blogger panghent said…

    "importante pa rin naman ang complexity sa buhay"

    ganda. totoo yan. at hindi rin talaga maiiwasan eh, and it makes life more interesting.

    minsan kasi, ginagawang excuse ang pgiging "mura" ng isipan sa pagdecide towards something stupid.

    pwede kayang forever teenager? haha. wag na lang. di ko type si peter pan. =P

     
  • At 9/25/2006 3:22 AM, Blogger & said…

    mura lang ako. kadalasang tumatambay sa mcarthur highway. LOL!!

    nice blog. sensible, tol!

    i admire the priest for giving a lively homily - minsanan na lang ang mga paring ganyan kaya dapat pasalamatan talaga. :D aeheheh..

    well. ayoko ng apo at ng mga nirevive na songs nila. ewan ko ba. weiird.

    i say, being a child is not that complex though we look like bastards at that time. while being an adult means we know it all.

    wala lang :D hehe. http://vindication.wordpress.com

    daan. exchange links?

     
  • At 9/25/2006 10:14 AM, Anonymous Anonymous said…

    elow... tanong ko lang po pano kayo naging parehas na 18 tas magkapatid kayo..

    wow!

     
  • At 9/25/2006 8:00 PM, Blogger panghent said…

    utakgago, peter, salamat sa pagbisita! sige link ex tayo! =)

    utakgago:

    mas gusto orig ng apo kesa sa cover..pero bibilhin ko parin ung tribute. haha.

    peter:

    11 months diff namin, so 2 months palang ako, strike agad si papa. oks diba? haha. :D

     
  • At 9/25/2006 8:41 PM, Anonymous Anonymous said…

    nice ghoent! haha.. anggaling ni dad!

    dapat ata may tagboard ka na..

     

Post a Comment

<< Home