anokungpanghent

maganda naman.

Tuesday, September 11, 2007

sulit.com.ph

Saturday, January 27, 2007

amf

fuchsiang pag-ibig yan.

haha.

ako, hindi pa naman yata inlab, sa tao, in a romantic way.

pero sa album ng Silent Sanctuary, na "Fuchsiang Pag-ibig", amfuchsia, deads na deads ako. haha!

tagal kong hinintay ang album na to, way before nirelease ang "rebound" sa NU107, adik na ako sakanila. kaya naman nang i-release last jan. 24 ang "Fuchsiang Pag-ibig", nagpabili agad ako! pero sabi ni kuya jarap (special mention, tenk you tenk you!) wala pa sa glorietta at megamall. so nung jan. 26, ako naman ang naghanap. sta. lucia, robinsons, sm north. sa sm north lang pala matatagpuan. yessss!! so simula kagabi hanggang ngayon (as in ngayon) ay yun lang ang pinagkakaabalahan ng tenga ko, hehe.

yung mga inlab dyan, lalo na yung mga hopeless romantic, o kaya broken hearted, o mga sobrang emo lagi dahil sa fuchsiang pag-ibig na yan (tsk, i just love the album title), bagay na bagay to sainyo. hehe, title pa lang ng album alam mo na eh. kahit nga ako na hindi naman masyado nakakarelate ay naaappreciate yung album. maganda kasi talaga tunog nila. pramis, maganda. =)

~

uyyyy.. meron akong crush (bukod sa napakaraming iba pa) hehe, kailangan ko lang sabihin. fuchsiang album, kakainlabs talga eh!

(feeling ko tuloy puro mura tong entry na to, haha)

1st post this jan! ayus!

Monday, December 18, 2006

random enggweek/lantern stuff

wala nang pasok! masaya ba ako o hindi? hmmm...

basta ang alam ko, naging busy ang last two weeks ng december bago tuluyang mawalan ng pasok nung friday. enggweek kasi tapos ang org pa namin (PSME-UPSU) ang na-assign na gumawa ng lantern ng ME dept. yehes!

ang saya pala ng engg week pag affiliated, busy kasi with activities tapos sali din sa activities ng ibang orgs..at! nagfirst place ang "Coat of Arms" ng PSME! haha, kasali ako dyan! naks..ito yung itsura nung sa amin -

click na kasi!

gawa yan sa sili, corn kernels, bigas, monggo, paminta, laurel, oatmeal, at spaghetti noodle. yun. glue syempre. phoenix ang naisip ni kuya ronald to symbolize PSME's rebirth daw. ayos yung concept! sakto eh! :D

~

ayun, ang daming nangyari at tinatamad akong magkwento. nga pala, yung lantern ng ME dept ay nanalo din (over other departments)!! ang saya talagaaaaa!! ito yung itsura, pero medyo malabo eh. at hindi niyo rin siguro maiintindihan, hehe..pero moving yan..ayun, kuha!

click na kasi! click na kasi!

click na kasi!

kita mo na kung ano nalang pumasok sa isip ko eh tinatayp ko na lang..totoo pala yung sinasabi nila, na kapag masaya ka, parang nakakatamad magkwento. masaya eh. parang gusto mo na lang i-savor yung height ng emosyon, hindi mo maisulat ng maayos..or ayaw mong magsulat at all. haha.

kapag malungkot naman o galit or kung anu pa man, parang ang dali dali magsulat..ewan ko lang, pero parang totoo sakin yun..hahaha lumalabo na naman ako.

next time na lang kapag nasa mood na ako, gusto ko lang sana maiupdate ito dahil ages ago pa pala ang last entry ko. :D

****

congratulations kay kuya imay for winning first place sa indakan (pair)!! ang galing ng blue jeans niyo!! haha, sinuportahan ka namin! at panalo ka di lang sa mata namin, kundi pati sa mga mata ni douglas nierras.. whoo congrats! :D

Saturday, December 02, 2006

agree ako, e ikaw?

yehey! kailangan ko lang ibulalas sa mundo ang aking saya sa pagkakapanalo ng karamihan ng gusto ko sa nakaraang nu rock awards. mabuti at napakinggan ko (nakalimutan kong ikalendaryo eh) salamat sa nagpaalala sa akin, salamat sa'yo kuya!

best album ang noontime show ng ithcyworms! oo, ang gandaaa kasi ng album na ito. talaga, maganda siya. (ayoko nang mag album review. if you don't trust me, bilhin niyo yung album and see (hear) for yourselves.) (hahaha)

iba pang nakuha ng itchy: drummer of the year (si jazz!), rising sun award, at producer of the year. yehes, ang saya!!!!

masaya rin ako sa pagkakapanalo ng silent sanctuary sa 'in the raw' category. pinakikinggan ko sila ngayon (c/o their site)..regular sa LSS list ko ito eh. ang galing niyo! ang galing nila! oo magaganda yung mga kanta nila. :)

ayan, dahil sa kanila ay masaya ang batch of winners na ito para sa akin! hehe!

kung nais mo lang malaman ang iba pang nanalo, ito sila:

best new artist: updharmadown *hands down*

vocalist of the year: *tatlo silang gusto ko. hindi siya ang top, pero masaya pa rin ako!* gabby alipe ng urbandub

guitarist of the year: *katuwa talaga, sarap panoorin!* mong alcaraz ng chicosci at sandwhich

bassist of the year: myrene academia ng sandwich at imago *kapitbahay (village) ko lang to, haha..pero hindi ko pa ever nakita. kamusta naman yun!*

best live act: *no-brainer* kamikazee

song of the year: *lalong no-brainer* narda ng kamikazee

artist of the year: *guess who..who?* kamikazee!

listener's choice: *uwian na* kamik---- oo sila ulit.

best male award: *nagulat ako dito, pero in a happy sense, galing eh!* mong alcaraz ng chicosci at sandwich

best female award: armi millare ng updharmadown *galing talaga!*

best album packaging: kung sino man ang gumawa ng five on the floor ng sandwich, yun. siya panalo.

best music video of the year: sugod ng sandwich!

aba, halos lahat pala talaga ay mga kampi ko. haha kaya pala ang sayaa!! unlike last year, gusto ko ang batch na ito.

kayo mga kapwa mahilig sa musikang pinoy (o kahit hindi), masaya ka ba sa resulta?

Tuesday, November 28, 2006

wehh

may tambayan na kami. di nga. wehh. seryoso?

as in. parang..parang..hahaha!

blabbing nonsense. hmpf.

wohohoho.

Sunday, November 26, 2006

pagpasensiyahan niyo na lang po muna

aba, ang pasensiya ay isang importanteng bagay, di ba? oo, at muntik pa akong mapahamak dahil dito.

~

bukod yata sa pagiging tamad, itong pagiging impatient ko ang masasabi kong problema na kailangan kong ayusin. sa sobrang kaprankahan ko kasi, nai-aapply ko narin yata ang ganung sistema sa ibang bagay. gusto ko malinaw agad, naiintindihan agad, nakikita ko agad, maayos lahat. kung anung diretso at transparent ko, siya ring dapat na diretso at linaw ng hinahanap ko. at siyempre, hindi sa lahat ng oras ay makukuha ko ito.

anlabo na ba? konti pang pasensiya.

~

hindi ko na lang ikukuwento yung nangyari na siyang sinimulan ng post na ito. kasi, may mga kakilala akong nagbabasa at..basta, wag na lang. muntik akong maipahamak ng impatience ko dahil muntik na akong makabingo sa pesensya ng tatay ko. ang galing di ba, naisagad ko ang pasensiya niya gamit ang kawalan ko ng pasensiya.

~

hmpf, pasensiya pasensiya pasensiya. hindi ko pa nagamit nang ganyan kadalas ang salitang yan. yun ay dahil siguro kulang nga ako sa pasensiya. kaya rin siguro ako nasasabihang mataray, o masungit, dahil kapag hindi ko nagustuhan ang isang bagay, sasabihin ko agad. hindi na kailangan pang mag-alala na tinatago ko ang kung anumang reklamo, hinanakit, pagkairita, o galit, dahil hindi ako ganun. kapag sinabi kong walang problema, wala talaga. kapag nagsabi na ako ng parte ko, ayun na.

lumayo na naman ako sa sinasabi ko. pasensiya na.

lumabas na rin ang ganito kong ugali sa mga nakaraan kong post. yung mga sinauna pa. at talaga naman, kung alam niyo lang, gusto ko na talagang ibahin. para namang napakaperpekto kong tao para maging impatient di ba? at ano naman ang meron ako para mainis sa iba?! wala!

~

patience is a virtue.

sa sobrang luma, kupas, antigo, at gasgas ng linyang yan, hindi ko na siya maintindihan. alam ko ang ibig sabihin, pero hindi ko maintindihan. naniniwala kasi akong kapag naiintindihan mo ang isang bagay, gaya na lang ng linyang nabanaggit, alam mo rin dapat na tama ito at dapat na gawin. na dapat itong gamitin sa buhay. ako, parang alam ko lang ang kahulugan ng mga salita. pero nananatiling blanko ang kahalagahan niya.

~

sana hindi tayo pareho ng problema. sana mahaba ang pasensiya mo, at iba ang ang kinahihirapan mong ibahin sa sarili mo. yung pasensiya kasi, aba, nakakapikong pahabain. ang hirap eh. hahaha, joke lang! papraktisin ko na siyang palawigin. dapat lang naman di ba?

~

pasensiya na, pasensiya. hayaan mo, unti unti ay mapapahaba din kita mula sa maikli mong buhay sa utak ko. pipilitin kong hindi ka na sagarin. sana magtulungan tayo.

****


pasensiya na rin pala fellow bloggers, kung hindi ako makabisita at makapagcomment sa inyong mga blogs. hindi ko akalaing magiging busy pala ng ganito ang sem. malamang hindi narin ako ganun kadalas mag update, gaya na lang ng post na ito na milya ang layo mula sa previous post ko. haha! sorrrry. pero bibisita na lang ako sa inyo. hehe! =)

greetings to mark(nov. 20), ang angela(nov. 22) cheers!


Saturday, November 18, 2006

Youth for Christ.

sarap talaga kapag camp. yung fulfillment na nadarama mo pagkatapos ng mga problema at saya, yung pagtanggap at paggawa sa resposibilidad mo na magevangelize ng kabataan.. walang kapalit ang pakiramdam. lalo na sa oras na makita at marinig mo silang (participants) nagpapasalamat, at nagsh-share na naging masaya sila at maraming natutunan sa tatlong araw na yun, hay..ibang klase.

panalo.

~

andami kong natutunan sa camp na ito. at natutuwa ako sa feedback ng mismong participants na umattend, dahil alam kong umalis din sila na may pagbabagong nangyari, na may natutunan. ang tatlong araw na inilagi nila kasama namin ay naging daan para maremind sila sa kung ano at para saan nga ba talaga ang buhay, taliwas sa sinasabi ng mababaw at makamundong pag-iisip.

minsan, kahit ako nakakalimot na. bakit nga ba ang dami dami kong problema? bakit kailangang dumaan ako sa mga bagay na hindi ko naman gusto? bakit may mga panahon na parang naiinis lang ako, kahit na andami daming dahilan para maging masaya ako? bakit?

ayokong sabihing tao lang naman ako. pero oo, tao lang ako. hindi maiaalis na may mga gusto at ayaw akong bagay. lalo pa't bata pa naman ako, hindi lahat ng bagay ay naiintidihan ko na.

pero alam ko rin na may dahilan. alam mo rin na may dahilan. sawa na nga tayong lahat sa dahilang "may dahilan." pero alalahanin mo na minsan, hindi man ikaw ang makikinabang at direktang matututo sa mga nangyayari sayo, kailangan pa rin itong mangyari para sa ikabubuti ng taong konektado sayo. hindi ikaw ang mundo. pero ang bawat ginagawa mo, nakakaapekto sa takbo nito.

~

sa camp na to, team leader ako. ako ang inaasahan sa mga desisyon, pamamalakad, at lahat ng problemang maisip mo. (siyempre kahati ko sa paglutas ng problema si pao, ang isa pang team leader) malaki man ang inaasahan mula sa akin, hindi pa rin ako exempted na matuto ulit. wala namang perpekto. kaya kapag pinakikinggan ko ulit ang mga talks na ilang beses ko nang narinig, natututo parin ako. bumabalik yung panahon na ako rin dati ay isang participant, walang kaalam alam sa pinapasok ko. yung mga speaker ng mga talk sa camp ko, yung mga games, bonding..lahat yun bumabalik sa akin tuwing nagseserve at pumupunta ako sa mga camp.

gusto ko kasi na maramdaman at maapektuhan din ang bawat isang participant gaya ng epektong idinulot sa akin ng yfc. marami ang sumali lang para magkaroon ng mas maraming kaibigan, (ayoko nang magbanggit pa ng ibang dahilan)..at aaminin ko, napilitan lang ako noon na sumali. pero pagkatapos ng 2 araw ng camp ko na yun (overnight lang yung sa batch namin), nagpasalamat pa ako na andun ako.

~

tatlo't kalahating taon na akong yfc, at [para sa akin,] hindi lahat puro saya. P-E-R-O M-A-S-A-Y-A. sa bawat hirap, iisipin mo na lang na, "i am serving God." wala akong karapatang mag-amok, magreklamo, magbilang ng mga nagawa, at kung anu-ano pa. kusa dapat sa akin ang magserve. ibinabalik ko lang sa yfc ang ibinigay nila sa akin. at pasalamat pa ako, binigyan ako ng oportunidad na gawin yun. ang ipamahagi sa iba ang kalayaan kong ipakita ang pagmamahal sa Diyos, kahit na ba marami ang hindi komportable sa ganoong usapan. tumingin ka lang sa mga kainan, ilan ba ang nakikita mong nagsa-sign of the cross at nagdadasal bago at pagkatapos kumain? ikaw, nagagawa mo ba yon?

~

paborito ko talaga kapag nagp-praisefest at worship sa yfc. nakataas ang kamay ng mga tao habang kumakanta, nasa tono man o wala, nakapikit, pumapalakpak, may mga naiiyak pa. hindi kasi dapat na ikahiya ang pinaniniwalaan. panindigan mo kung ano ang paniniwala mo, kahit na hindi lahat ay sang-ayon sa iyo.

at kung hindi ganoon kalakas ang paniniwala mo, bakit nga ba? ano ba ang pumipigil sa iyo na maniwala? hindi ba sapat yung nagigising ka bawat umaga nang may matiwasay na pakiramdam, na makikita mo ang mahal mo sa buhay, na naipasa mo ang exam mo, na ibinagsak mo ang subject mo para malaman mong hindi katamaran ang sagot sa problema mo..na nagising ka lang. na humihinga ka. "thank God," di ba?

~

Upper Rancho Chapter Camp (Nov. 10-12, 2006)

click mo na! para mas makita mo!
worship.

click mo na! para mas makita mo!
pictur-an lang.
****
greetings to joa(nov. 17), and wena(nov. 18) cheers! =)