pagpasensiyahan niyo na lang po muna
aba, ang pasensiya ay isang importanteng bagay, di ba? oo, at muntik pa akong mapahamak dahil dito.
~
bukod yata sa pagiging tamad, itong pagiging impatient ko ang masasabi kong problema na kailangan kong ayusin. sa sobrang kaprankahan ko kasi, nai-aapply ko narin yata ang ganung sistema sa ibang bagay. gusto ko malinaw agad, naiintindihan agad, nakikita ko agad, maayos lahat. kung anung diretso at transparent ko, siya ring dapat na diretso at linaw ng hinahanap ko. at siyempre, hindi sa lahat ng oras ay makukuha ko ito.
anlabo na ba? konti pang pasensiya.
~
hindi ko na lang ikukuwento yung nangyari na siyang sinimulan ng post na ito. kasi, may mga kakilala akong nagbabasa at..basta, wag na lang. muntik akong maipahamak ng impatience ko dahil muntik na akong makabingo sa pesensya ng tatay ko. ang galing di ba, naisagad ko ang pasensiya niya gamit ang kawalan ko ng pasensiya.
~
hmpf, pasensiya pasensiya pasensiya. hindi ko pa nagamit nang ganyan kadalas ang salitang yan. yun ay dahil siguro kulang nga ako sa pasensiya. kaya rin siguro ako nasasabihang mataray, o masungit, dahil kapag hindi ko nagustuhan ang isang bagay, sasabihin ko agad. hindi na kailangan pang mag-alala na tinatago ko ang kung anumang reklamo, hinanakit, pagkairita, o galit, dahil hindi ako ganun. kapag sinabi kong walang problema, wala talaga. kapag nagsabi na ako ng parte ko, ayun na.
lumayo na naman ako sa sinasabi ko. pasensiya na.
lumabas na rin ang ganito kong ugali sa mga nakaraan kong post. yung mga sinauna pa. at talaga naman, kung alam niyo lang, gusto ko na talagang ibahin. para namang napakaperpekto kong tao para maging impatient di ba? at ano naman ang meron ako para mainis sa iba?! wala!
~
patience is a virtue.
sa sobrang luma, kupas, antigo, at gasgas ng linyang yan, hindi ko na siya maintindihan. alam ko ang ibig sabihin, pero hindi ko maintindihan. naniniwala kasi akong kapag naiintindihan mo ang isang bagay, gaya na lang ng linyang nabanaggit, alam mo rin dapat na tama ito at dapat na gawin. na dapat itong gamitin sa buhay. ako, parang alam ko lang ang kahulugan ng mga salita. pero nananatiling blanko ang kahalagahan niya.
~
sana hindi tayo pareho ng problema. sana mahaba ang pasensiya mo, at iba ang ang kinahihirapan mong ibahin sa sarili mo. yung pasensiya kasi, aba, nakakapikong pahabain. ang hirap eh. hahaha, joke lang! papraktisin ko na siyang palawigin. dapat lang naman di ba?
~
pasensiya na, pasensiya. hayaan mo, unti unti ay mapapahaba din kita mula sa maikli mong buhay sa utak ko. pipilitin kong hindi ka na sagarin. sana magtulungan tayo.
****
pasensiya na rin pala fellow bloggers, kung hindi ako makabisita at makapagcomment sa inyong mga blogs. hindi ko akalaing magiging busy pala ng ganito ang sem. malamang hindi narin ako ganun kadalas mag update, gaya na lang ng post na ito na milya ang layo mula sa previous post ko. haha! sorrrry. pero bibisita na lang ako sa inyo. hehe! =)
greetings to mark(nov. 20), ang angela(nov. 22) cheers!

4 Comments:
At 11/27/2006 1:50 PM, Billycoy said…
patience is a virtue...
lagi ko ring sinasabi yan, pero hindi rin maiiwasan na mawalan ka ng pasensya, lalo't lunes na lunes ng maaga makaapak ka ng ebs ng aso mo!!! syet talaga yun!
At 11/27/2006 7:34 PM, she- said…
habaan mo pa iha ang pasensya mo ha? isipin mo na lang mas maganda ka sa kanila! wahaha
oo nga sina claire at still.. pero baka naging classmate na rin kita ha . hmm...
At 11/27/2006 10:05 PM, Claire said…
naku, di ka nag-iisa. kulang din ako sa pasensya lalo na pag di nagfu-fulfill yung gusto ko. [OC pa naman ako]... XD
faito!! XD
At 11/27/2006 10:45 PM, panghent said…
billycoy: hahaha! asar naman ang nangyari sayo! tawanan na lang natin..hahahaha
sheryl: oo nga, isipin ko nlng maganda ako? haha..baka nga naging classmates na tayo..hmm..hehe
claire: ahhh..the oc..haha, mahirap nga yan, pero di ba usually ang mga oc yung pasensyosa? kasi nagagawa pa nilang baguhin ang nariyan na..ay teka, sa katamaran ko siya na-equate..sori sori..gets ko na..haha! :D
Post a Comment
<< Home