anokungpanghent

maganda naman.

Saturday, November 18, 2006

Youth for Christ.

sarap talaga kapag camp. yung fulfillment na nadarama mo pagkatapos ng mga problema at saya, yung pagtanggap at paggawa sa resposibilidad mo na magevangelize ng kabataan.. walang kapalit ang pakiramdam. lalo na sa oras na makita at marinig mo silang (participants) nagpapasalamat, at nagsh-share na naging masaya sila at maraming natutunan sa tatlong araw na yun, hay..ibang klase.

panalo.

~

andami kong natutunan sa camp na ito. at natutuwa ako sa feedback ng mismong participants na umattend, dahil alam kong umalis din sila na may pagbabagong nangyari, na may natutunan. ang tatlong araw na inilagi nila kasama namin ay naging daan para maremind sila sa kung ano at para saan nga ba talaga ang buhay, taliwas sa sinasabi ng mababaw at makamundong pag-iisip.

minsan, kahit ako nakakalimot na. bakit nga ba ang dami dami kong problema? bakit kailangang dumaan ako sa mga bagay na hindi ko naman gusto? bakit may mga panahon na parang naiinis lang ako, kahit na andami daming dahilan para maging masaya ako? bakit?

ayokong sabihing tao lang naman ako. pero oo, tao lang ako. hindi maiaalis na may mga gusto at ayaw akong bagay. lalo pa't bata pa naman ako, hindi lahat ng bagay ay naiintidihan ko na.

pero alam ko rin na may dahilan. alam mo rin na may dahilan. sawa na nga tayong lahat sa dahilang "may dahilan." pero alalahanin mo na minsan, hindi man ikaw ang makikinabang at direktang matututo sa mga nangyayari sayo, kailangan pa rin itong mangyari para sa ikabubuti ng taong konektado sayo. hindi ikaw ang mundo. pero ang bawat ginagawa mo, nakakaapekto sa takbo nito.

~

sa camp na to, team leader ako. ako ang inaasahan sa mga desisyon, pamamalakad, at lahat ng problemang maisip mo. (siyempre kahati ko sa paglutas ng problema si pao, ang isa pang team leader) malaki man ang inaasahan mula sa akin, hindi pa rin ako exempted na matuto ulit. wala namang perpekto. kaya kapag pinakikinggan ko ulit ang mga talks na ilang beses ko nang narinig, natututo parin ako. bumabalik yung panahon na ako rin dati ay isang participant, walang kaalam alam sa pinapasok ko. yung mga speaker ng mga talk sa camp ko, yung mga games, bonding..lahat yun bumabalik sa akin tuwing nagseserve at pumupunta ako sa mga camp.

gusto ko kasi na maramdaman at maapektuhan din ang bawat isang participant gaya ng epektong idinulot sa akin ng yfc. marami ang sumali lang para magkaroon ng mas maraming kaibigan, (ayoko nang magbanggit pa ng ibang dahilan)..at aaminin ko, napilitan lang ako noon na sumali. pero pagkatapos ng 2 araw ng camp ko na yun (overnight lang yung sa batch namin), nagpasalamat pa ako na andun ako.

~

tatlo't kalahating taon na akong yfc, at [para sa akin,] hindi lahat puro saya. P-E-R-O M-A-S-A-Y-A. sa bawat hirap, iisipin mo na lang na, "i am serving God." wala akong karapatang mag-amok, magreklamo, magbilang ng mga nagawa, at kung anu-ano pa. kusa dapat sa akin ang magserve. ibinabalik ko lang sa yfc ang ibinigay nila sa akin. at pasalamat pa ako, binigyan ako ng oportunidad na gawin yun. ang ipamahagi sa iba ang kalayaan kong ipakita ang pagmamahal sa Diyos, kahit na ba marami ang hindi komportable sa ganoong usapan. tumingin ka lang sa mga kainan, ilan ba ang nakikita mong nagsa-sign of the cross at nagdadasal bago at pagkatapos kumain? ikaw, nagagawa mo ba yon?

~

paborito ko talaga kapag nagp-praisefest at worship sa yfc. nakataas ang kamay ng mga tao habang kumakanta, nasa tono man o wala, nakapikit, pumapalakpak, may mga naiiyak pa. hindi kasi dapat na ikahiya ang pinaniniwalaan. panindigan mo kung ano ang paniniwala mo, kahit na hindi lahat ay sang-ayon sa iyo.

at kung hindi ganoon kalakas ang paniniwala mo, bakit nga ba? ano ba ang pumipigil sa iyo na maniwala? hindi ba sapat yung nagigising ka bawat umaga nang may matiwasay na pakiramdam, na makikita mo ang mahal mo sa buhay, na naipasa mo ang exam mo, na ibinagsak mo ang subject mo para malaman mong hindi katamaran ang sagot sa problema mo..na nagising ka lang. na humihinga ka. "thank God," di ba?

~

Upper Rancho Chapter Camp (Nov. 10-12, 2006)

click mo na! para mas makita mo!
worship.

click mo na! para mas makita mo!
pictur-an lang.
****
greetings to joa(nov. 17), and wena(nov. 18) cheers! =)

1 Comments:

  • At 11/18/2006 10:02 AM, Blogger she- said…

    ang saya naman! sana talaga active pa rin ako. peyborit ko din yung praise and worship. ang sasaya kasi lalo na pag mga kanta ng Hillsongs..

     

Post a Comment

<< Home