anokungpanghent

maganda naman.

Monday, October 30, 2006

pagbabago.

nanggaling ako sa school kanina. aba nagulat ako, ginagawa pala ang eng'g building! haha, sana naman ay mabigyan na ang org namin ng tambayan next sem. sa pagbabaklas at pagpapaganda ng building na yun, sana naman eh may kahit konting space na ilaan para sa munting organisasyon namin..haha, sana!!

~

napapunta ako ng school bigla dahil may bagong pakulo na pala ang regcom. para maging eligible for enrollment next sem, kailangan naming pumirma sa tabi ng pangalan namin sa student list sa admin office ng eng'g. unang pumasok sa isip ko, "hassle pare!"..at ngayong nagawa ko na, oo! hassle parin! kawawa yung mga nasa probinsya..either iho-hold ang enrollment papers nila, o mapa-pauwi sila ng di oras para lang sa isang pirma.

nang nasa admin office na ako, naririnig ko pa ang mga kapwa nakapila na nag-uusap.."anu ba to, galing pa akong laguna at umuwi para lang dito!" hindi naman sila galit, pero parang nasasayangan lang sila. nagtatawanan pa nga ang magkaibigan eh. biglang may pumasok sa office na kakilala nila..

"o (pangalan ng pumasok)! san ka galing?"

"south cotabato."

humalakhak talaga ang buong kalooban ko, dahil walang karea-reaksyon pa ang pagsagot ni ateng pumasok. pero nagawa ko naman magpigil at ngumiti na lang, buti na rin eh may mga natawa akong katabi..haha.

~

hinatid ako ng aking ama sa skul dahil kinatamaran niyang pumasok, umuulan pa kasi at ang saraaap ng panahon. kaya ayan, ginawa ko na lamang muna siyang driver..hehe..bago ako nagpapirma sa eng'g at makipagkrus ng landas sa mga galing laguna at south cotabato, ay dumaan muna ako sa building ng math at physics para kumuha ng classcards. pero since hindi pa pala released ang classcard namin sa math, sa physics na kami sumunod na pumunta.

2.50 ako sa physics lec, 1.75 sa lab. sa loob loob ko, yes! may pambawi ang 2.50 ko! kaya pagka-claim ko ng classcard at pumasok sa kotse, medyo wala lang kunwari sa akin.

"anu yan? grades na?"

"opo."

"o ano nakuha mo?"

"one seven five tsaka two five" (shempre ung mataas muna!!)

"ha? anu yan tres ang pinaka mababa diba?"

"opo" (patay ito na..)

"two point five!?? ang baba naman yata nyan. sobra naman yata yun." (sabi na eh.)

mababa naman talaga. tanggap ko naman. kung iisipin ko pa, masaya pa ako na hindi TRES ang lumabas sa classcard ko (knowing that i suck at physics). pero, malamang, hindi masaya si itay sa narinig niya. pero ok lang yun. NR style lang kasi ako. parang normal lang na yun ang nakuha kong grade. nakuha ko pang magsabi ng "hah, medyo ok na nga po sakin yun eh..pinaghirapan ko na po yang two five na yan. (liar!! tamad ka kasi!!)""basta taasan mo grades mo." (tango lang ako. whew. survived another pep talk) <-- at least i thought so. may katuloy pa pala.

to cut this short, pinipilit ako ni papa magshift sa IE.

"maganda ang IE ha. itutuloy mo na ba talaga yang mechanical? parang ang awkward kasi sa babae niyan eh. sa planta ka niyan. ilang babae lang kayo? o e kasi panglalaki talaga mechanical. magshishift sigurado yang mga classmates mo."

~

shempre naman, gusto ko IE. pero hindi kasi madali magshift. at quota pa lang ng grades mukhang sasablay na ako. waah. gusto ko pa bang magbago ng course? ngayon pang nageenjoy na ako non-acad-wise (blockmates at orgmates!), pero ok lang din naman sa aralan. mukhang next semsssss ko pa tuluyang madarama ang hirap ng ME. hahaha. nagiisip parin ako. hindi ko pa makita kung ano ako 10 years from now. ang masakit pa nito eh kung hindi ko naman pala ipa-practice ang aking tatapusin. harhar. all this dilemma for...nothing? ok lang. at least titulado ako. (I HOPE!!!)

~

last change. may plano akong magpagupit bukas. hahaha, pero itutuloy ko ba? depende pa sa mood ko yan.

****
greetings para kay harvey, noriel, lendl(oct. 28), yna(oct. 29) at kuya imay(oct. 30) cheers! =)

11 Comments:

  • At 10/30/2006 9:38 PM, Anonymous Anonymous said…

    galing din akong school kanina, tanginis, naisip ko lang, pwede naman iforge yung pirma eh, di naman hinihingan ng ID o form five eh.. diba?? diba??
    ~(ayus gayahin ko yung style sa post mo.. haha)

    grabe naman yun! galing pa syang south cotabato? grabe talaga.. kawawa talaga yung mga taga-probinsya

    ~

    buti pa sayo may naghatid... haha
    pareho tayo sa lab! 2.25 ako sa lec..wahuhu tsamba! haha.. ang nakakainis pa dun, nabababaan pa rin sa 2.25 yung tatay ko.. haysh! mga tatay talaga!

    tapos sabihin mo sa tatay mo, hinding hindi ako magshishift! wahuhu! Kahit dalawa na lang tayo matira sa huli!

    ~
    at nagbeburdey pala ang isang katulad ni harvey? sandali, si harvey bang kilala ko ito? kung siya nga, belated na lang... haha

    ayun...nagcomment nanaman ang iyong suki.. haha, pwede nang entry sa blog tong comment ko eh!

     
  • At 10/31/2006 2:11 AM, Anonymous Anonymous said…

    Waw! Mataas na kaya yung grades mo. Haha! Ganyan talaga ang ating mga erpats, siyempre, gusto nila maging magaling ka sa mga bagay-bagay. Hehe! :P

    At oo, super hassle nga na papasok ka ng school para lang pumirma. Hindi ba pwedeng proxy? Haha!

     
  • At 10/31/2006 1:36 PM, Blogger Claire said…

    buti ka pa, tingin ng parents mo sa IE ay maganda. haruu, bago ako nakapag-IE, nilait-lait ng nanay ko yung IE sabi niya wala daw trabaho dun. pero ang totoo sobrang daming job opportunities sa IE eh. LOL. gusto niys kasi BAA. yung dad ko ok lang kahit anong course ko.

    ok naman din ako sa IE. gusto ko sa ME pero gusto ko rin kasi sa IE eh. LOL. ang labo...

    agree.. nakakatamad magshift. haha...

     
  • At 10/31/2006 4:35 PM, Anonymous Anonymous said…

    wow claire! gusto mo magME? Go! shift ka! Masaya ang ME, at nandun pa kami ni panghent! hehe

     
  • At 10/31/2006 6:41 PM, Blogger panghent said…

    still: haha! oo nga sana pala ifinorge ko na lang ng pirma ung mga nasa probinsya, para hindi na sila umuwi. haha..at oo, si harvey blockmate natin un..hahaha..sira ka talaga..sus, kalabteam mo yun eh! hahahaha!!

    jhed: oo nga, feeling din kasi yata nila eh isang pitik lang natin eh may uno na! shef, bakit ba diko naisip yang mga idea niyo ng pagforge/proxy? ako lang ba ang di nakaisip nun??

    claire: nilait ang IE! grabe, tama ka nga eh soobrang daming job opportunities nun na maraming IE don't get to practice as an IE. hahaha! at tama si still!! shift ka na! para magkagirl power naman sa ME! andun kaming mga cute! (e.g. still and panghent) haha! :D

     
  • At 10/31/2006 7:08 PM, Anonymous Anonymous said…

    nice nice! gusto ko yung part na nandun tayong mga cute! haha.. tunay naman!:)

    haha.. labteam ka jan.. wooo

     
  • At 10/31/2006 10:44 PM, Anonymous Anonymous said…

    since stupid ako sa math... i never considered engineering as a course.... hahahahah... buti na lang... dahil wala akong kahilig-hilig sa p6 at chem.... hahahahahha
    oo nga engineering lang ba may ganun... ung early reg.. kc ung classmates kong eng din dati e... nagparegistercla... for eligibility na mag-enrol dis sem... pero at least un before mag end ung sem... di tulad ngayon... abala talaga....

     
  • At 11/01/2006 8:07 AM, Anonymous Anonymous said…

    hehehe.. nagagalit pa si itay sa ganyang grades?? hehehe. :)

    teehihihih.. baka naman mas awayin ka pa ni itay mo kapag nag shift kah??

     
  • At 11/01/2006 10:32 PM, Anonymous Anonymous said…

    gusto ko ring magshift pero sa ibang dept lang..pero wag na lang haha.

    sinong taga-ce ang kilala mo? baka blockmate ko sya!

     
  • At 11/01/2006 11:33 PM, Blogger & said…

    wow.

    galing SOUTH COTABATO? aruy!!! hassle naman. wawa naman siya, ang layo nun ha!!!!!!

    2.5 - it's okay. di ka naman bagsak eh. tsaka physics is really hard (though nadadalian ako sa p6). ahehehe.

    nako, ngayon pa lang - hassle na ata ang college. yayyy.

    :) ayun. make up your mind, ok?!?!?!

     
  • At 11/02/2006 5:32 PM, Anonymous Anonymous said…

    hahaha! mabuti na lang at bago matapos ang pasukan ay nakapagpirma na ako. hindi pa nakapost sa mga depts ito? ako kasi, more than a month ko nang nakikita sa bulletin board yung announcement, bago ko pinansin.

    yan tuloy, kawawa yung mga promdi. hindi ko talaga gets bakit andami pa kapritsong nalalaman ang engg admin tuwing reg. kaya lalu tumatagal eh.

     

Post a Comment

<< Home