anokungpanghent

maganda naman.

Friday, October 06, 2006

res-pe-to-uy

"hoy, ui, uy, uyy, ui, uyy"


ako lang ba ang maarte sa ganyan?

~

hindi ko alam kung kapraningang matatawag ang magreact kapag may tumawag sa 'yo ng "ui." pero para sakin, NORMAL lang yun. lalo na kung paulit-ulit na ginagawa sa'yo ng isang tao, at lalo na kung sinabihan mo na nga ng pabiro, pero hindi pa rin na-pick up.

~

kahapon, umandar na naman ang katarayan ko. (posible niya nga pala itong mabasa [in the future pa naman kasi hindi niya pa ito alam, pero hindi imposible], pero ito na naman ako, may i-couldn't-care-less na attitude as of now.)

may i-mi-meet dapat kasi ako dahil may ibibigay ako sakanya. shempre may napagusapang time. nung nag-uusap kami through text the day before para sa details ng pagmeet namin, she kept on calling me "ui." e sa mga textan din dati pa, yun din ang tawag niya sakin. medyo na-off lang ako (lalo pa't she's two years younger! irita talaga ang mga bastos) kaya ji-noke ko na siya ng

"ui? cnung ui? may pangalan ako! hahaha"

dense mehn. or sadyang it's in her system. kasi nung magkikita na dapat kami the following day, hindi na nga siya sumipot, (to think na may scheduled akong finals right after the time na si-net namin!) eh nagtext pa around 20 minutes after the supposed time of meeting ng "ui sori ah..dalhin mo na lang tom etc..."

wowness. talaga namang nagpatong patong na lang siguro. ayoko kasi ng mga nag u-"uy," mga late sa usapan, (lalo na kung hindi dumating!! enjoy ba maghintay?) at dahil na rin muntik pa ako ma-late sa klase! isa bang "in-fairness" banat na may sori sa text? hayyss. buti na lang namove yung finals. badtrip talaga. kaya nagreply ako sa kanya mga 40 minutes after niya magtext.

"ghoent, (her name). the name's ghoent. i'll bring the..etc"

hayss. ang bait ko pa yata niyan. pero di siya nagreply. i'm sure nagulat yun. baka nagtataka lang kayo, hindi naman kasi kami close. so knowing na 2 years ahead ako, sana may konting pampalubag namang "ghoent" ang itawag sakin. hindi ko naman hiling na sambahin ako o tawaging "ate" e. hmm...

i'll bring her back to the earth kung walang ibang makagawa nun.

~

mahirap bang itayp o sabihin ang pangalan ng kausap? o kahit "ei" na lang kung wala na talagang space (for the record, yung mga text niya ay hindi even buong sentences. kaya marami pang spaaaace.) o hindi mo malunok ang pride mong sabihin ang pangalan nung tao e.

respeto kasi. yun lang yun. kung ang aso pinapangalanan, kahit halaman pa nga sa iba eh may pangalan, tao pa kaya? may ipinanganak bang "hoy" ang gustong itawag sa kanya? wala naman yata. tawagin na akong mababaw, pero yun ang paniniwala ko.

kapag hindi ko masabi ang pangalan ng isang tao, dahil wala ng espasyo o galit ako, i go straight to my point. sinasabi ko na lang ang dapat kong sabihin. wala nang "hoy" o panga-pangalan pa. wah, sana hindi masyadong galit yung dating nung post. nairita lang ako kasi sobrang pinapahalagahan ko ang respeto.

RESPETO lang!

~

wag na nating pahabain pa to. i think i made my point. plus, papasok na ako. magkikita nga pala kami niyan mamaya. haha, let's see kung anong mangyayari.

6 Comments:

  • At 10/06/2006 5:49 PM, Anonymous Anonymous said…

    GHOENT! relaks! hehe

    syempre kakampi ako sayo, hehe...

    angganda pa naman ng pangalan mo para lang tawagin ka niyang "hoy"... sino ba yan? tutumbahin ko na ba?? wahuhu!!

    pero tunay, naamaze ako nung una ko nalaman yung pangalan mo, very unique... hehe... [magtatayo na ba ako ng fans' club?]

     
  • At 10/06/2006 8:18 PM, Blogger panghent said…

    haha!! maganda talaga, still. hihihi.. hayaan mo na siya.

    nakakahiya nga binasa ko ulit yung post ko at parang ang yabang at ang ewan yata ng dating ko..haha!

    inis lang ako, makikita mo talga sa kin kapag inis ako eh. db still? haha..sori ineexplain ko pa sarili ko.

    good mood na ulit. :D

     
  • At 10/07/2006 10:20 AM, Anonymous Anonymous said…

    ghoent,,, waah nku senxia na isa at ako sa mga nkatawg syo ng "ui,uy, woi" di na po mauulit... ayun ge ingat lgi.. mis yah -- irene

     
  • At 10/07/2006 10:51 AM, Blogger panghent said…

    irene! waaahhh!! binabasa mo pala to! haha.. :D

    anu ka ba! hindi mo kaya ako tinatawag ng "ui,uy,woi".. at kung sinabi mo man (dati pa), eh close naman tayo eh..haha! hindi na nga lang tayo nakakapag usap..huhu..mag-globe ka na kasi.. hehe! yngat yngat! :D

    *wag na nating seryosohin tong post na to! oa yata ang mga reaksyon ko eh..ahihihi..

     
  • At 10/08/2006 8:03 AM, Anonymous Anonymous said…

    Heehee!

    May point ka naman e. Kaya nga tayo binigyan ng pangalan para may itawag sa atin e. Siguro, sanay lang din siya ng tinatawag ng "Uy" kaya nadadala niya kung kani-kanino.

     
  • At 10/16/2006 11:33 PM, Anonymous Anonymous said…

    UYYYYY! hehehe joke lang ghoent :D

    sino ba itong anonymous person na ito?

    baka ganun lang talaga siya. yun ang kanyang nakasanayan.

    sinabi mo na sa kanya ng diretso na naiirita ka pag inu-uy ka nya? baka di nya na gets ung mga hints mo.

     

Post a Comment

<< Home