anokungpanghent

maganda naman.

Tuesday, November 28, 2006

wehh

may tambayan na kami. di nga. wehh. seryoso?

as in. parang..parang..hahaha!

blabbing nonsense. hmpf.

wohohoho.

Sunday, November 26, 2006

pagpasensiyahan niyo na lang po muna

aba, ang pasensiya ay isang importanteng bagay, di ba? oo, at muntik pa akong mapahamak dahil dito.

~

bukod yata sa pagiging tamad, itong pagiging impatient ko ang masasabi kong problema na kailangan kong ayusin. sa sobrang kaprankahan ko kasi, nai-aapply ko narin yata ang ganung sistema sa ibang bagay. gusto ko malinaw agad, naiintindihan agad, nakikita ko agad, maayos lahat. kung anung diretso at transparent ko, siya ring dapat na diretso at linaw ng hinahanap ko. at siyempre, hindi sa lahat ng oras ay makukuha ko ito.

anlabo na ba? konti pang pasensiya.

~

hindi ko na lang ikukuwento yung nangyari na siyang sinimulan ng post na ito. kasi, may mga kakilala akong nagbabasa at..basta, wag na lang. muntik akong maipahamak ng impatience ko dahil muntik na akong makabingo sa pesensya ng tatay ko. ang galing di ba, naisagad ko ang pasensiya niya gamit ang kawalan ko ng pasensiya.

~

hmpf, pasensiya pasensiya pasensiya. hindi ko pa nagamit nang ganyan kadalas ang salitang yan. yun ay dahil siguro kulang nga ako sa pasensiya. kaya rin siguro ako nasasabihang mataray, o masungit, dahil kapag hindi ko nagustuhan ang isang bagay, sasabihin ko agad. hindi na kailangan pang mag-alala na tinatago ko ang kung anumang reklamo, hinanakit, pagkairita, o galit, dahil hindi ako ganun. kapag sinabi kong walang problema, wala talaga. kapag nagsabi na ako ng parte ko, ayun na.

lumayo na naman ako sa sinasabi ko. pasensiya na.

lumabas na rin ang ganito kong ugali sa mga nakaraan kong post. yung mga sinauna pa. at talaga naman, kung alam niyo lang, gusto ko na talagang ibahin. para namang napakaperpekto kong tao para maging impatient di ba? at ano naman ang meron ako para mainis sa iba?! wala!

~

patience is a virtue.

sa sobrang luma, kupas, antigo, at gasgas ng linyang yan, hindi ko na siya maintindihan. alam ko ang ibig sabihin, pero hindi ko maintindihan. naniniwala kasi akong kapag naiintindihan mo ang isang bagay, gaya na lang ng linyang nabanaggit, alam mo rin dapat na tama ito at dapat na gawin. na dapat itong gamitin sa buhay. ako, parang alam ko lang ang kahulugan ng mga salita. pero nananatiling blanko ang kahalagahan niya.

~

sana hindi tayo pareho ng problema. sana mahaba ang pasensiya mo, at iba ang ang kinahihirapan mong ibahin sa sarili mo. yung pasensiya kasi, aba, nakakapikong pahabain. ang hirap eh. hahaha, joke lang! papraktisin ko na siyang palawigin. dapat lang naman di ba?

~

pasensiya na, pasensiya. hayaan mo, unti unti ay mapapahaba din kita mula sa maikli mong buhay sa utak ko. pipilitin kong hindi ka na sagarin. sana magtulungan tayo.

****


pasensiya na rin pala fellow bloggers, kung hindi ako makabisita at makapagcomment sa inyong mga blogs. hindi ko akalaing magiging busy pala ng ganito ang sem. malamang hindi narin ako ganun kadalas mag update, gaya na lang ng post na ito na milya ang layo mula sa previous post ko. haha! sorrrry. pero bibisita na lang ako sa inyo. hehe! =)

greetings to mark(nov. 20), ang angela(nov. 22) cheers!


Saturday, November 18, 2006

Youth for Christ.

sarap talaga kapag camp. yung fulfillment na nadarama mo pagkatapos ng mga problema at saya, yung pagtanggap at paggawa sa resposibilidad mo na magevangelize ng kabataan.. walang kapalit ang pakiramdam. lalo na sa oras na makita at marinig mo silang (participants) nagpapasalamat, at nagsh-share na naging masaya sila at maraming natutunan sa tatlong araw na yun, hay..ibang klase.

panalo.

~

andami kong natutunan sa camp na ito. at natutuwa ako sa feedback ng mismong participants na umattend, dahil alam kong umalis din sila na may pagbabagong nangyari, na may natutunan. ang tatlong araw na inilagi nila kasama namin ay naging daan para maremind sila sa kung ano at para saan nga ba talaga ang buhay, taliwas sa sinasabi ng mababaw at makamundong pag-iisip.

minsan, kahit ako nakakalimot na. bakit nga ba ang dami dami kong problema? bakit kailangang dumaan ako sa mga bagay na hindi ko naman gusto? bakit may mga panahon na parang naiinis lang ako, kahit na andami daming dahilan para maging masaya ako? bakit?

ayokong sabihing tao lang naman ako. pero oo, tao lang ako. hindi maiaalis na may mga gusto at ayaw akong bagay. lalo pa't bata pa naman ako, hindi lahat ng bagay ay naiintidihan ko na.

pero alam ko rin na may dahilan. alam mo rin na may dahilan. sawa na nga tayong lahat sa dahilang "may dahilan." pero alalahanin mo na minsan, hindi man ikaw ang makikinabang at direktang matututo sa mga nangyayari sayo, kailangan pa rin itong mangyari para sa ikabubuti ng taong konektado sayo. hindi ikaw ang mundo. pero ang bawat ginagawa mo, nakakaapekto sa takbo nito.

~

sa camp na to, team leader ako. ako ang inaasahan sa mga desisyon, pamamalakad, at lahat ng problemang maisip mo. (siyempre kahati ko sa paglutas ng problema si pao, ang isa pang team leader) malaki man ang inaasahan mula sa akin, hindi pa rin ako exempted na matuto ulit. wala namang perpekto. kaya kapag pinakikinggan ko ulit ang mga talks na ilang beses ko nang narinig, natututo parin ako. bumabalik yung panahon na ako rin dati ay isang participant, walang kaalam alam sa pinapasok ko. yung mga speaker ng mga talk sa camp ko, yung mga games, bonding..lahat yun bumabalik sa akin tuwing nagseserve at pumupunta ako sa mga camp.

gusto ko kasi na maramdaman at maapektuhan din ang bawat isang participant gaya ng epektong idinulot sa akin ng yfc. marami ang sumali lang para magkaroon ng mas maraming kaibigan, (ayoko nang magbanggit pa ng ibang dahilan)..at aaminin ko, napilitan lang ako noon na sumali. pero pagkatapos ng 2 araw ng camp ko na yun (overnight lang yung sa batch namin), nagpasalamat pa ako na andun ako.

~

tatlo't kalahating taon na akong yfc, at [para sa akin,] hindi lahat puro saya. P-E-R-O M-A-S-A-Y-A. sa bawat hirap, iisipin mo na lang na, "i am serving God." wala akong karapatang mag-amok, magreklamo, magbilang ng mga nagawa, at kung anu-ano pa. kusa dapat sa akin ang magserve. ibinabalik ko lang sa yfc ang ibinigay nila sa akin. at pasalamat pa ako, binigyan ako ng oportunidad na gawin yun. ang ipamahagi sa iba ang kalayaan kong ipakita ang pagmamahal sa Diyos, kahit na ba marami ang hindi komportable sa ganoong usapan. tumingin ka lang sa mga kainan, ilan ba ang nakikita mong nagsa-sign of the cross at nagdadasal bago at pagkatapos kumain? ikaw, nagagawa mo ba yon?

~

paborito ko talaga kapag nagp-praisefest at worship sa yfc. nakataas ang kamay ng mga tao habang kumakanta, nasa tono man o wala, nakapikit, pumapalakpak, may mga naiiyak pa. hindi kasi dapat na ikahiya ang pinaniniwalaan. panindigan mo kung ano ang paniniwala mo, kahit na hindi lahat ay sang-ayon sa iyo.

at kung hindi ganoon kalakas ang paniniwala mo, bakit nga ba? ano ba ang pumipigil sa iyo na maniwala? hindi ba sapat yung nagigising ka bawat umaga nang may matiwasay na pakiramdam, na makikita mo ang mahal mo sa buhay, na naipasa mo ang exam mo, na ibinagsak mo ang subject mo para malaman mong hindi katamaran ang sagot sa problema mo..na nagising ka lang. na humihinga ka. "thank God," di ba?

~

Upper Rancho Chapter Camp (Nov. 10-12, 2006)

click mo na! para mas makita mo!
worship.

click mo na! para mas makita mo!
pictur-an lang.
****
greetings to joa(nov. 17), and wena(nov. 18) cheers! =)

Tuesday, November 07, 2006

pers taym

sa tatlong sem na nakalipas na nagenrol ako sa up, lahat yun ay ginawa ko nang hindi bababa sa 2 araw. noong 1st year 1st sem pa nga, minanual enlistment ko ang lahat ng subjects ko kaya naman inabot ako ng isang linggo para lamang magenrol.

malamang sa puntong ito eh alam mo na kung bakit yan ang title ng post na to. kasi, purihin na ang lahat ng sangka-yupihan, isang araw lang akong nag-enrol!! mabuhay ang UP!

e bukod kasi sa naaprub lahat sa crs, eh...teka, yun lang pala ang dahilan. lagi lang naman akong inaabot ng 2 araw hanggang isang linggo dahil sa paghahagilap ng subjects (at suuuper habang pila!). pero dahil ipinagkaloob na ng "crs team" ang lahat ng subjects na kailangan ko, eh medyo bumilis ang proseso para sa akin.

masaya tong araw na to. basta. soooobrang masaya siya bukod pa sa *maliit* na detalyeng officially enrolled na ako.

~

pasensya na pala kung medyo hindi ako makabisita ng maayos (madalas) sa mga blogs ngayon. parang kakasabi ko lang sa last post ko na bloghopping etc lang ang ginagawa ko..pero, dahil malapit na kasi ang camp ng yfc (comm based dito sa amin), nawalan ako ng panahon na humarap nang matagalan sa comp.

sa mga susunod na araw, mukhang hindi din muna ako makakabloghop..pero baka makadalaw parin dahil paborito kong gawain yun.

yung camp namin ay gaganapin sa nob. 10-12, (fri-sun), kaya wala ako dito sa bahay. hindi ako at all makakabloghop by then, before then (dahil team leader aku kailangan ng maraming last minute meetings hihihi), at siguro a little after then. pasensiya na talaga!! bukas siguro ako last magbloghop before this bye-bye-muna-blog mode. kitakits na lang sa pagbabalik! :D

Friday, November 03, 2006

boy meets girl

friday na!! konti nalang, enrolan na ulit, pasukan na naman..at last! hindi ko na kailangang mag-isip kung anu pa nga ba ang mga bagay na pwede kong gawin para mabawasan ang aking idle moments..

bukod sa pagbloghop, pakikinig sa radyo, text, nood ng tv, kain at tulog, wala na yata akong ginagawang productive...buti na lang e sinuggest ng isa kong kaibigan na magbasa daw ako ng libro.

~

hahaha! kung magkakilala tayo, alam mo na hindi ako ang tatakbuhan mo kung may gusto kang hiramin na libro, magtanung ng opinyon tungkol sa isang libro, o magpakwento ng plot ng isang nobela. hindi kasi ako mahilig magbasa. nonfiction man o hindi. kahit nga ni isang chapter o isang page mula sa kahit anung harry potter book, hindi pa ako nakabasa. (ah oo nga ayoko pala kasi ng fantasy)

mayroon naman na akong ilang librong nabasa..mga sinulat ni bob ong, ilang teenybopper books nung bata bata pa ako, mga hardy boys na pinahihiram sa akin paminsan minsan (teka, once lang pala to), inspirational, mga archie comics, at mga kung anu anu lang.. kaya kapag tinanong mo ako kung ano ang paborito kong nobela, madali na agad ang sagot..kasi hindi ko naman hilig magbasa ng 1.5 inch thick na libro! kaya yung "to kill a mocking bird" at "ang tundo man ay may langit din" ang isasagot ko sayo. ang saklap isipin, pero yung tagalog na nobela e required pa sa akin na basahin nung high school..hindi ito kusa.

~

nang isuggest sa akin na magbasa, naisip ko, oo nga naman! para naman hindi ako kalawangin, at may magawa pa ako..naalala ko bigla ang mga regalong libro sa akin nung nagdebut ako..oo, isang taon mahigit na ang nakalipas nung nagdebut ako pero mayroon pa rin akong mga hindi pa binabasa sa mga iniregalo sa akin doon. nakita ko ang librong "boy meets girl" ni joshua harris na isa sa mga nakatago. hahaha! pang alaska lang kasi talaga sa akin ng kaibigan ko yung librong yun. alam kasi ng lahat na ssb (alam niyo na to di ba, pero sige..single since birth un) ako, kaya maghanap hanap na daw ako. nyaks, hinahanap ba yun?

~

tinry ko basahin yung libro..ok naman siya eh..kaso habang tumatagal kong binabasa, narealize ko na yung libro pala eh para sa couples na may balak nang magpakasal, or andun na sa point na kino-consider na nga nila yung step na yun. nyeh! anu naman ang makukuha ko dun sa libro? hindi ko pa siya maa-appreciate sa ngayon kasi zero naman ako sa kategoryang iyon.. (ha-ha-ha!)

~

boy meets girl. naks. follow up siya ng librong "i kissed dating goodbye." hohoho, hmmmm..ayokong isipin kung kailan ko mami-meet si "boy," or kung kailan ako mami-meet ni "boy." basta sana lang, kung may ibang partner pa siya ngayon, ay hindi niya maisip na yun na si "girl." haha! galllyyy, i really don't feel comfortable talking about this side of our human nature. parang hindi bagay sa akin. hehe, minsan mo lang talaga makikita to sa blog ko. kasi naniniwala ako na hindi nga hinahanap yun, or na hindi siya something (hindi lang yung tao ang tinutukoy ko, pati yung emosyon..see? i can't even say the word!) na ineexpect. darating din yun. sana nga lang eh hindi masyado nakataas ang walls ko kapag nangyari yun. dahil kung oo, patay. hindi ko malalaman dahil ako na yata ang pinakamanhid na tao about these things. really. r-e-a-l-l-y. marami pang ibang dahilan, pero..pero..ayun.

~

di ko tinapos yung libro. sa ngayon, yung "pride and prejudice" na lang ng binabasa ko. nung bata kasi ako, yung manipis na version lang ang binasa ko..hehe, kaya since matanda na ako, yung tunay na ang babasahin ko! grabe, sa edad kong to hindi ko pa nababasa yun? anlala diba.

love story. hah.