random enggweek/lantern stuff
wala nang pasok! masaya ba ako o hindi? hmmm...
basta ang alam ko, naging busy ang last two weeks ng december bago tuluyang mawalan ng pasok nung friday. enggweek kasi tapos ang org pa namin (PSME-UPSU) ang na-assign na gumawa ng lantern ng ME dept. yehes!
ang saya pala ng engg week pag affiliated, busy kasi with activities tapos sali din sa activities ng ibang orgs..at! nagfirst place ang "Coat of Arms" ng PSME! haha, kasali ako dyan! naks..ito yung itsura nung sa amin -
gawa yan sa sili, corn kernels, bigas, monggo, paminta, laurel, oatmeal, at spaghetti noodle. yun. glue syempre. phoenix ang naisip ni kuya ronald to symbolize PSME's rebirth daw. ayos yung concept! sakto eh! :D
~ayun, ang daming nangyari at tinatamad akong magkwento. nga pala, yung lantern ng ME dept ay nanalo din (over other departments)!! ang saya talagaaaaa!! ito yung itsura, pero medyo malabo eh. at hindi niyo rin siguro maiintindihan, hehe..pero moving yan..ayun, kuha!
kita mo na kung ano nalang pumasok sa isip ko eh tinatayp ko na lang..totoo pala yung sinasabi nila, na kapag masaya ka, parang nakakatamad magkwento. masaya eh. parang gusto mo na lang i-savor yung height ng emosyon, hindi mo maisulat ng maayos..or ayaw mong magsulat at all. haha.
kapag malungkot naman o galit or kung anu pa man, parang ang dali dali magsulat..ewan ko lang, pero parang totoo sakin yun..hahaha lumalabo na naman ako.
next time na lang kapag nasa mood na ako, gusto ko lang sana maiupdate ito dahil ages ago pa pala ang last entry ko. :D
****
congratulations kay kuya imay for winning first place sa indakan (pair)!! ang galing ng blue jeans niyo!! haha, sinuportahan ka namin! at panalo ka di lang sa mata namin, kundi pati sa mga mata ni douglas nierras.. whoo congrats! :D