anokungpanghent

maganda naman.

Monday, October 23, 2006

semender!

namiss ko rin ang mag-blog hop sa dalawang araw (or tatlo narin kasi syempre nagpahinga muna ako) na nag out-of-town ako. pero i'll choose na mag-outing over blog hopping anytime syempre. haha.

~

first time ko yata to! i mean, nakapag-overnight na ako (madalas na rin kahit paano) sa bahay ng mga kaibigan, at nakapag out of town narin ako with friends. pero, hindi yung swimming, out of town, at overnight combination. lagi kasing isa out of the three lang. kaya naman enjoy nga tong experience na to. hehe!

~

nag sem ender ang org namin (PSME-UPSU) sa laguna last oct. 21-22, sa Villa Franca Resort na pagmamay-ari ng tita ng isa naming co-mem. laking discount din yun dahil private pool talaga at overnight pa kami. videoke magdamag, bilyar ung mga marurunong, tapos langoy yung iba..haha, ewan, pero ang alam ko enjoy talaga yun. siguro kasi first time ko nga pinayagan, tapos naka-bonding ko pa ang aking orgmates. halos puro fifth year na kasi sila, so bye bye na after next sem (for most of them, that is..hehe..huhu)..labindalawa kaming nakasama sa outing (konti lang, kaya bonding mode nga naman) at out of the twelve e dalawa lang kaming hindi fifth year! haha, at ako yung youngest dun..ahihi..bata pako! yahu!

anyway, ito yung pics ng venue na kinuha ko gamit lang ang cell, kaya sori naman sa resolution ha. nga pala, walang tao jan, kasi umatake ang ka-engengan (eng'g nga talaga o) ko at diko man lang naisip na makipag picture sa mga tao, puro pool! wahaha. di bale, next time na lang hingi ako kopya ng pics kanila ate..tapos post ko kung medyo timely pa, parang matatagalan pa yata kasi..ayun, sige buko pie mode na muna ako. hehe, gusto ko na rin makita yung pics na may tao! :D


click mo na para mas makita mo! click mo na para mas makita mo!
click mo na para mas makita mo! click mo na para mas makita mo!
P.S. ganda talaga nung place. sakto lang sa dami namin..hehe..sana dito kami ulit next sem! :D

6 Comments:

  • At 10/24/2006 11:45 AM, Anonymous Anonymous said…

    Waw! Sarap naman at galing sa bakasyon! Haha!

    The place is nice. Inggit ako.. :P

     
  • At 10/24/2006 2:09 PM, Blogger & said…

    wow. yung mga pictures - ang gaganda. di ko akalaing ganyang kalinis at kapayapa nung place...

    belated happy b-day nga pala! sensya na at di rin ako nakakapag-bloghop eh. sensya. sorry..

    ayun! :) di bale, sa susunod reregaluhan kita. hahaha!!!! joke! (mahirap na.. wala akong pera)

     
  • At 10/24/2006 4:14 PM, Anonymous Anonymous said…

    huwaw! angganda ng place! hehe...

    alam kong aayain mo ako sa org at alam mong "pag-iisipan ko" lang ang maisasagot ko.. hehe.. pero astig ha, ang ganda ng venue ng sem ender!

     
  • At 10/24/2006 8:50 PM, Blogger panghent said…

    halo!:D oo nga, maganda talaga yung place..para siyang malaking bahay, kaya intimate at spacious siya..haha labo? hindi yan.. :D

    3 airconditioned rooms, maraming cr, (ayan bebenta ko na ba full force? hehehe)...

    utakgago - maraming salamat sa bati! :) ok lang kahit di ka masyado makabloghop, dami mo kasi links eh..hehehe, kala ko may regalo na ako for next year..wahahah joke! :D

    still - alam mo na nga yung sasabihin ko..hahaha :P

     
  • At 10/26/2006 7:52 PM, Anonymous Anonymous said…

    buti you come back! kala ko nalunod ka na sa beach.. hehe.. kidding!

     
  • At 1/18/2007 2:31 AM, Anonymous Anonymous said…

    hihi.. nice talaga! sama kayo nxt time..

     

Post a Comment

<< Home