anokungpanghent

maganda naman.

Tuesday, September 26, 2006

creme of the crap

kung wala nang finals ang isa mong subject, as in hindi na siya even binanggit ng prof mo dahil wala namang kailangang magfinals sa section niyo, magvovolunteer ka pa bang ibring-up ang topic at mag-opt na i-take ang finals sa subject na yun? not to mention na ang subject na yun ay Anthro10?? -- ulk.

akalain mong merong dalawang freshie akong kaklase na ang sagot sa tanong na yan ay "oo!"

tssss.

~

ginawa nga nila yan. kanina lang e sobrang saya ko dahil last meeting na namin (supposedly) sa anthro10, pero inextend pa pala ng isa on friday dahil may topic pa kaming hindi nadiscuss. pwedeng pwede ko na ngang hindi pasukan yun eh. dahil wala na kaming finals, wala na ring quiz, at walang paper na due sa final meeting na yun. for formality's sake lang talaga na natapos namin yung lecture. pero fine, wala rin namang gagawin eh. baka may biglang incentive pa pala..sayang din.

~

kita mo talaga sa mukha ng prof namin na nainis pa siya nang may dalawang ginustong magtake ng finals. syempre, parang maghihirap pa nga naman siya na gumawa ng tanong e da-dalawa lang naman ang magta-take. sinindak pa nga niya eh.

"ang finals kasi, hindi naman mag-aassure na tataas ang standing niyo eh. it could even pull down your grade."

"50 50 yan. 50 sa standing niyo, 50 sa finals."

"kapag kayo hindi dumating sa finals niyo isi-sinko ko kayo."

grabe, it couldn't be more obvious than that! halata namang ayaw niya talaga diba? pero hindi. wa epeks sa dalawa kong kaklase.

~

"freshie pa kasi."

sabi yan ng bagong meet kong classmate na si rachel. kanina lang kami nagkakilanlan(ayos diba second to the last meeting na), pareho kasi naming hindi maintindihan kung totoo nga ba ang nagaganap sa harapan namin. meron ngang nagvovolunteer mag-exam!!

"ganyan talaga kapag freshie, GWA conscious. pag sophie ka na, tres-conscious ka na."

nadale mo charm! (ang aking forever classmate)

haysss. naalala ko tuloy ang prof ko sa comm3 last year. sabi niya, malalaman mo kung sino ang mga freshie, upper, at seniors sa UP by the way they speak at act sa campus.

yung mga freshie, medyo mahiyain pa. makikita mong nagtatawanan, pero may kahihiyan pa naman.

ang mga upperclassmen, ayan na. mejo wala nang paki sa iba. kumpol kumpol, at masasayang naghahalakhakan.


mga senior? ayun. mga walang hiya na. nagsasayaw, nagsisigawan, nagrarambulan sa kung saan saan. kumbaga, nabaliw na sa ilang uno, dos, tres, kwatro, at sinko nilang napagdaanan.

~

it has to be the idealist and realist in us. siyempre, kapag maaga pa, as much as possible e perpekto pa dapat ang buhay. lalo na acad-wise, dahil yun pa lang naman ang sentro ng maka-ilang oras sa
inaraw-araw ng buhay natin.


pero, once you realize na....

(antagal kong mag-isip!!!)

teka, hindi ko ma-translate into words..ang pangit eh..pero malalaman mo rin ang dapat malaman once you get there..haha, badtrip naging senseless bigla. pero talaga, nothing beats experience. kasi, you won't learn from the mistakes of others. you learn from those you make yourself.

~

ako, isa akong ehemplo ng kontradiksyon.

extremes-thinker ako. madalas akong magpantasya ng matataas na grades, pero mas madalas akong magexpect ng mga mabababa, or even bagsak na scores. hindi ako pessimist. REALISTIC lang ako.

alam mo naman sa sarili mo kung may pag-asa ka o wala diba? alam mo naman kung yung mga hula mo ay may sense o literal na inimbento mo lang, para lang magmukhang may sinusulat ka habang
nagi-isip ang mga katabi mo.


~

para sa kin, hindi masamang mangarap. at lalong hindi masamang magising sa katotohanan. kailangan lang talaga ng balanse at timing kung kailan mo paiiralin ang alin man sa dalawa. pagnakita mo akong
medyo malalim ang iniisip, tinatancha ko na niyan ang passing over failing percentages ko. kapag masaya na ako, it's either chicken yung exam, o tanggap ko nang it's not even close to decent.


~

wah! bakit may nagpapatugtog na ng "give love on Christmas day??"

whatda, ber month na nga pala. sige ARAL mode na muna. may practicals pa kami sa physics lab bukas.

hafta PASS.

Sunday, September 24, 2006

mura ka lang ba?

birthday ng kapatid ko ngayon..mabuhay! pareho na kaming 18 years old. next month, ako naman ang aabante. haha. saya no? abutan ng age..tumatanda na nga ang mundo..naku, teka, ito nanaman, usaping edad na naman.

kagagaling lang namin ng simbahan, at natuwa ako sa sermon ng pari..nabanggit niya pa ang major lss (hanggang ngayon pa rin grabe) ko na naging topic pa ng aking previous entry..ang batang bata ka pa ng apo.

tungkol sa mga bata kasi and how God favors o likes kids yung homily. nakakatawa yung mga examples niya dahil naremind talaga ako ng kabataan (naks) ko.

ang mga bata daw, kapag hindi makadumi, makikita mong na sa may pinto ng cr ang nanay nila.

"uu..uu..uu na yan...." <-- moral suport na kailangang marinig ng tiyan mo at tiyak ang paglabas niya.


kapag hindi naman daw ma-ihi, "shh..wshswshshhhwsshshshsswhh.." lang ang katapat niyan. freeflowing na ang unwanted liquid ng sistema mo.

laftrip. andaming bumalik na memories tungkol sa younger days.

~

ang mga bata kasi, mura lang. madaling tapatan.

"tama na iyak, bili tayo mcdo mamaya"

"o wag kang malikot, bebenta kita sa bombay."

kahapon, nang bigla akong pinaospital before ng finals ko sa ES dahil sa matinding pantal na nafoform sa mata ko (wag ko na lang idescribe, may cr talk na nga may maiimagine ka pa) narinig ko habang naghihintay ng turn ko kay doc ang mag-ama sa harap ko...

"wag kang maingay, isusumbong na kita sa guard. lagot ka sa batuta niyan."


simpleng simple, tameme si kuyang malikot.

~

sa kabilang dako, ang mga matatanda kasi, mahal na.

hindi na pinagdiinan to ni father. pero totoo naman. marami na kasi sigurong pinagdaanan ang matatanda. "experienced" na ika nga nila. lalo na yung matatalino, mga sikat, may posisyon, may kapangyarihan.

mga dakila.

ang mamahal nila, kahit na hindi naman talaga.

~

ako, maraming moments na napaka mahal ng tingin ko sa sarili ko. may kayabangan din kasi talaga ako. aminado naman ang panghent na to. hehe. pero i at least acknowledge. its a start diba? may mga nakasagutan (understatement) pa nga akong classmates dahil jan eh.


ayoko nang maging mahal. hassle. daming nakakabangga. siguro, magpapaka mahal mahalan na lang ako kapag alam kong kinakailangan nang magkaalaman ng punto. lets just say na hindi naman kasi ako dormant person. pero talaga, itatry ko nang maghold ng sale sa presyo ko. baka dumating ang time na wala nang magtiyaga sa katarayan ko.

ikaw. magkano ka ba?

Friday, September 22, 2006

batang bata ka pa

"batang-bata ka pa at marami ka pang
kailangang malaman at intindihin sa mundo
yan ang totoo
nagkakamali ka kung akala mo na
buhay ay isang mumunting paraiso lamang..."

LSS ako sa kantang yan ng apo -- more specifically sa cover ng sugarfree, [for Kami nAPO Muna tribute album] simula nang mapanood ko ang video ng performance nila sometime last week sa myx. nakakaloko talaga kapag ilang linya lang ang alam mo sa kantang nabiktima kang i-lss. nagiging sirang plaka ang dating. almost every 10 seconds, balik ka sa simula ng alam mong lyrics.

~

nagb-blog hopping (ang dependable past time ko, which eventually made me create this..ahm..blog, if i may say) ako kanikanina lang, at narealize kong . . . antanda ko na nga talaga! whooo!

hindi naman literal na matanda, (hindi pa yata ako under the young adults bracket. teenager pa ako, hah!) kapag lang kasi naghahanap ako ng mababasahang blog, i keep on ending up at 15 - 17 year old's (kala mo ang layo ng agwat ko sa kanila) blogs na talaga namang akala mo e nilay-out at sinulat ng propesyunal. they probably just have all the time in the world, di tulad ko na hirap makapuno ng 5 oras ng tulog.

either that, or talaga lang they take blogging seriously. i mean they put time and effort to make sense out of what they blab about. tama naman talaga yun. kasi kung hindi naman reader-friendly ang nasusulat mo, then magiging blog for emotional release lang talaga ang espasyo mo. (which of course ay isa ring purpose ng blog)

~

hindi na talaga sa edad nasusukat ang mga bagay bagay. ayon nga sa 20 Questions ni Juan Ekis,

(conversation excerpt)

YUMI: Maturity has nothing to do with age.

JIGS: But it has a lot to do with time.

parehong tama ang dalawang karakter na to. di mo maiiwasang mapagkabit ang isa sa isa, pero magkaiba sila. para sakin, magkaiba sila.

~

"..batang-bata ka lang at akala mo na
na alam mo na ang lahat na kailangan mong malaman
buhay ay di ganyan
tanggapin mo na lang ang katotohanan
na ikaw ay isang musmos lang na wala pang alam..."


~

nyaks. random thoughts lang to. major lss.

Thursday, September 21, 2006

anokungpanghent

naka blogspot pa ako. para namang kina-career ko ang blogging.

eh hindi ko pa nga makapa ang mga dapat at hindi dapat i-click for specific actions eh.

well well, i'll eventually figure it out.