anokungpanghent

maganda naman.

Monday, October 30, 2006

pagbabago.

nanggaling ako sa school kanina. aba nagulat ako, ginagawa pala ang eng'g building! haha, sana naman ay mabigyan na ang org namin ng tambayan next sem. sa pagbabaklas at pagpapaganda ng building na yun, sana naman eh may kahit konting space na ilaan para sa munting organisasyon namin..haha, sana!!

~

napapunta ako ng school bigla dahil may bagong pakulo na pala ang regcom. para maging eligible for enrollment next sem, kailangan naming pumirma sa tabi ng pangalan namin sa student list sa admin office ng eng'g. unang pumasok sa isip ko, "hassle pare!"..at ngayong nagawa ko na, oo! hassle parin! kawawa yung mga nasa probinsya..either iho-hold ang enrollment papers nila, o mapa-pauwi sila ng di oras para lang sa isang pirma.

nang nasa admin office na ako, naririnig ko pa ang mga kapwa nakapila na nag-uusap.."anu ba to, galing pa akong laguna at umuwi para lang dito!" hindi naman sila galit, pero parang nasasayangan lang sila. nagtatawanan pa nga ang magkaibigan eh. biglang may pumasok sa office na kakilala nila..

"o (pangalan ng pumasok)! san ka galing?"

"south cotabato."

humalakhak talaga ang buong kalooban ko, dahil walang karea-reaksyon pa ang pagsagot ni ateng pumasok. pero nagawa ko naman magpigil at ngumiti na lang, buti na rin eh may mga natawa akong katabi..haha.

~

hinatid ako ng aking ama sa skul dahil kinatamaran niyang pumasok, umuulan pa kasi at ang saraaap ng panahon. kaya ayan, ginawa ko na lamang muna siyang driver..hehe..bago ako nagpapirma sa eng'g at makipagkrus ng landas sa mga galing laguna at south cotabato, ay dumaan muna ako sa building ng math at physics para kumuha ng classcards. pero since hindi pa pala released ang classcard namin sa math, sa physics na kami sumunod na pumunta.

2.50 ako sa physics lec, 1.75 sa lab. sa loob loob ko, yes! may pambawi ang 2.50 ko! kaya pagka-claim ko ng classcard at pumasok sa kotse, medyo wala lang kunwari sa akin.

"anu yan? grades na?"

"opo."

"o ano nakuha mo?"

"one seven five tsaka two five" (shempre ung mataas muna!!)

"ha? anu yan tres ang pinaka mababa diba?"

"opo" (patay ito na..)

"two point five!?? ang baba naman yata nyan. sobra naman yata yun." (sabi na eh.)

mababa naman talaga. tanggap ko naman. kung iisipin ko pa, masaya pa ako na hindi TRES ang lumabas sa classcard ko (knowing that i suck at physics). pero, malamang, hindi masaya si itay sa narinig niya. pero ok lang yun. NR style lang kasi ako. parang normal lang na yun ang nakuha kong grade. nakuha ko pang magsabi ng "hah, medyo ok na nga po sakin yun eh..pinaghirapan ko na po yang two five na yan. (liar!! tamad ka kasi!!)""basta taasan mo grades mo." (tango lang ako. whew. survived another pep talk) <-- at least i thought so. may katuloy pa pala.

to cut this short, pinipilit ako ni papa magshift sa IE.

"maganda ang IE ha. itutuloy mo na ba talaga yang mechanical? parang ang awkward kasi sa babae niyan eh. sa planta ka niyan. ilang babae lang kayo? o e kasi panglalaki talaga mechanical. magshishift sigurado yang mga classmates mo."

~

shempre naman, gusto ko IE. pero hindi kasi madali magshift. at quota pa lang ng grades mukhang sasablay na ako. waah. gusto ko pa bang magbago ng course? ngayon pang nageenjoy na ako non-acad-wise (blockmates at orgmates!), pero ok lang din naman sa aralan. mukhang next semsssss ko pa tuluyang madarama ang hirap ng ME. hahaha. nagiisip parin ako. hindi ko pa makita kung ano ako 10 years from now. ang masakit pa nito eh kung hindi ko naman pala ipa-practice ang aking tatapusin. harhar. all this dilemma for...nothing? ok lang. at least titulado ako. (I HOPE!!!)

~

last change. may plano akong magpagupit bukas. hahaha, pero itutuloy ko ba? depende pa sa mood ko yan.

****
greetings para kay harvey, noriel, lendl(oct. 28), yna(oct. 29) at kuya imay(oct. 30) cheers! =)

Friday, October 27, 2006

photoshoot

title pa lang, obvious na.

~

so far, ang sem break na ito ang talagang pinaka-enjoy at "busiest" ko. kung iku-kumpara mo kasi sa previous sembreaks ko, makikita mo na maaaaajor idle lang ako sa bahay before, walang ginagawa kundi kumain, magradyo, computer at tv..wow. kaya pagdating ng pasukan, it's no surprise na bumibigat ako. hahaha.

ngayon kasi, nagsem-ender na ako (which i did for the first time),...nagphotoshoot pa kami ng high school barkada ko na talagang namiss ko!!! :D

~

iba talaga kapag fine arts ang course ng kabarkada mo..napagti-tripan ang barkada eh..pero kami pa! game kami lahat sa picture picture na to kahit na ba medyo mahirap i-sustain ang emo-mode na poses...e nakakatawa eh! hirap mag-"internalize"! ahihihi..anyway, hindi ko na lang ieexplain yung nangyari..let [some of] the pictures speak for themselves. (that's my excuse for being too lazy to type...) (nga pala bess! sayang talaga at ikaw lang ang kulang :(..next time sumama ka na ha!)

~

presenting...ang hs barkada ko! (minus bess..ok lang yan, sama ka na next time ha..)


click mo na para mas makita mo!

click mo na para mas makita mo! click mo na para mas makita mo!

click mo na para mas makita mo! click mo na para mas makita mo!

click mo na para mas makita mo! click mo na para mas makita mo!

click mo na para mas makita mo! click mo na para mas makita mo!

click mo na para mas makita mo! click mo na para mas makita mo!
alangan namang gawin kong multiply ang blog di ba..kaya yung iba diko na pinost..hehe! :D aminin mo, pangmagazine ang solo shots! hahaha!
(ung mga kakilala ko jan tawa na siguro nang tawa)

Monday, October 23, 2006

semender!

namiss ko rin ang mag-blog hop sa dalawang araw (or tatlo narin kasi syempre nagpahinga muna ako) na nag out-of-town ako. pero i'll choose na mag-outing over blog hopping anytime syempre. haha.

~

first time ko yata to! i mean, nakapag-overnight na ako (madalas na rin kahit paano) sa bahay ng mga kaibigan, at nakapag out of town narin ako with friends. pero, hindi yung swimming, out of town, at overnight combination. lagi kasing isa out of the three lang. kaya naman enjoy nga tong experience na to. hehe!

~

nag sem ender ang org namin (PSME-UPSU) sa laguna last oct. 21-22, sa Villa Franca Resort na pagmamay-ari ng tita ng isa naming co-mem. laking discount din yun dahil private pool talaga at overnight pa kami. videoke magdamag, bilyar ung mga marurunong, tapos langoy yung iba..haha, ewan, pero ang alam ko enjoy talaga yun. siguro kasi first time ko nga pinayagan, tapos naka-bonding ko pa ang aking orgmates. halos puro fifth year na kasi sila, so bye bye na after next sem (for most of them, that is..hehe..huhu)..labindalawa kaming nakasama sa outing (konti lang, kaya bonding mode nga naman) at out of the twelve e dalawa lang kaming hindi fifth year! haha, at ako yung youngest dun..ahihi..bata pako! yahu!

anyway, ito yung pics ng venue na kinuha ko gamit lang ang cell, kaya sori naman sa resolution ha. nga pala, walang tao jan, kasi umatake ang ka-engengan (eng'g nga talaga o) ko at diko man lang naisip na makipag picture sa mga tao, puro pool! wahaha. di bale, next time na lang hingi ako kopya ng pics kanila ate..tapos post ko kung medyo timely pa, parang matatagalan pa yata kasi..ayun, sige buko pie mode na muna ako. hehe, gusto ko na rin makita yung pics na may tao! :D


click mo na para mas makita mo! click mo na para mas makita mo!
click mo na para mas makita mo! click mo na para mas makita mo!
P.S. ganda talaga nung place. sakto lang sa dami namin..hehe..sana dito kami ulit next sem! :D

Wednesday, October 18, 2006

ang bilis naman

isang taon na lang, hindi na pala ako teenager. pero, isang taon pa yun. bago pa man lumipas ang nasabing isang taon, e nauna muna ung labing siyam. (wow panghent, parang prep!)

basta, may mga natutunan din akong may silbi sa 19 na taong yun. pero sampu na lang ang ililista ko. baka mapahaba eh.

~

1. ang bilis lang talaga ng oras at panahon kapag nag-eenjoy ka! (no-brainer)..na mimiss ko talaga naman ang high school at ust prends ko. hehehe

2. hindi naman pala ganun ka-hirap maging SSB member (single since birth)..masaya nga eh! hahaha (kaso mukhang maraming hindi nag-aagree sakin dito..)


3. there's always a first time in everything. kung nung high school hari/reyna ka effortlessly, you'll get your fair share of pleasant and UNpleasant surprises in college!! hahaha, second sem (in up), di kita malilimutan.

4. the best ang feeling kapag nakakatulong ka. (puro naman no-brainer!) yung tipong alam mong may silbi ka sa mundo. the best mag gawad kalinga, sali kayo ha!!

5. one must know the difference between being assertive and being bossy (for the sake of the faint hearted and sensitive). or, better make sure that the recipients of your instructions KNOW you and your style.

6. kapag sinimulan mo, ikaw ang tumapos. hindi ito para sa credit. ito ay para sa sense of fulfillment mo. kahit sabihin mo pang ikaw ang gumawa ng 95% ng isang bagay, no matter how small, kapag hindi ikaw ang nagdeclare na "done," parang ang laking kawalan ng 5% na yun. hahahaha

7. laking achievement kung ikaw ang tumapos nung 5%. hahaha. really.

8. mahirap magkaproblema. pero kapag nalampasan mo, ang saraaaaaap ng pakiramdam. adds maturity and depth into one's character. ang experience na siyang kaibigan mo sa buhay ay nadaragdagan.

9. independence really pushes you to "grow up." hindi mo maiiwasang wala ang friends mo sa tabi mo. (literal to at hindi). at kapag nafo-force kang gumawa ng mga desisyon, balik ka sa sarili mo at sa mga prinsipyo mo. tama man o mali ang naging desisyon mo, congrats parin dahil hindi lahat ng tao kayang magdesisyon para sa sarili.

10. madaling mag-gain ng friends, *rephrase* mabilis magkaroon ng maraming bagong mga kakilala..pero it takes time at distance to know and test kung sino sino yung mga totoo at hindi nakakalimot. =)

ayun! ang mga taong di nakalimot bumati pala!! maraming salamat!! parang kailangan niyo ng special mention! kaya hindi ko binura ung mga text..ahihihi..at nagmessage at testi! rundown lang, thank you talaga!!

~

flo (pare ikaw ulit una salamat!), ludwig, aira, joan, robbie, ate kath (nagulat ako! salamat po!),
kuya ralph, charm, anj (the best ka rin!!! :D), sir gudz (hehe salamat sir!), alvin, harvey (nakatulugan mo eh haha), shilea g., earl, mark, emir (naks galing mo!), lloyd (salamat nagparamdam ka mehn, thank you!), marelle, cecille (miss ko na kada!), cris (kelan tayo alis?), turon (hahaha salamat turon!), yna (sa 23 ha!), grazielle, jocel, mean, deobie (pangatlo mo na kaya't times three din ang thank you! :D), wena, ate mic, irene (globe ka na! galing!!), joal (astig ka talaga salamat! :D), jinky (salamat jinky ha!), nicole, jessa (bowling ulit tayo!), dittle (cellos!), chad, marvin, john paul, flo (ulit, kaso hindi ikaw naging huli, di bale una ka naman haha), robbie (ulit, ayan huli ka!)

~

at sa mga belated greeters..hehehe, ok lang kahit kahapon at kanina niyo naalala, salamat parin sa pag-alala! :D

rane, RB (salamat chong naalala mo! :D), bess, ate che, deniece, jeff, m, paul.

at sa mga bumati sakin dito sa blog! salamat ng sobrang marami ha!!

third (wow minsan ka lang napadpad sa birthday ko pa..galing mo ah, hehe thank you! :D), still (basta, ikaw kilala mo sarili mo hahaha, salamat!! the best ka rin totoo. :D), heneroso (ikaw din, ang galing napadpad lang..salamat sobra! libre sa blog? haha!), jhed! (naging maganda naman ang araw ko sobrang salamat sa pagbati! :D) drenski! (hahaha dren! 8 days kaya!! haha konti na lang di na siya teenager..hahahah! peace flo!)


*gusto ko talaga may message sa lahat pero nasabi ko naman na sainyo eh..salamat ulit talaga!*

ayun, maraming maraming salamat! masaya naging birthday ko dahil sa inyong lahat! pati na rin dahil kanila sir gudz, mam shiela, at sir job! hahaha..gandang regalo po nung grades!! whewww! thank you pooooo!!!! :D

~

hah! the best ang taon ng 18 to 19 years old ko! sana itong coming year would be the same..o kaya'y even better. :)

Monday, October 16, 2006

lampas 12:00:01 na yata

kung ganun nga, edi maligayang bati sa kin!! :D

19 na taon na pala akong nagpapagala gala dito sa mundong ibabaw. hmm..bukas o next time ko na muna yun iisipin.. at dahil nagsisimula pa lang ang araw, mageenjoy muna ako! hahaha

salamat po sa Inyo para sa naging napakagandang isang taon! :)

Sunday, October 08, 2006

pa'no nangyari 'yun?

teka! wait..halaaaaaa..sandali!!

~

may mga "offline" comments akong natanggap mula sa mga kaibigan ko tungkol sa aking previous post..at takang taka sila na parang "to the next level" na daw ang katarayan ko..hahaha

hindi po! naku, teka..para sa mga kaibigan kong hindi ko na madalas makasama, (magcomment naman kayo! nagbabasa pala kayo nahihiya hiya pa eh! haha), and para na rin sa mga bagong meet kong friends dito, hehe..nadala lang siguro ako at nagkapatong patong na lang ang stress at school pressure kaya napagbalingan ko ang moment na yun..hindi naman ako sobrang tumaray! mataray, oo, alam niyo naman yun..pero ako pa rin to..mas mabait pa rin ako kaysa masungit! (self-proclaimed? di rin..hahaha) masyado kasi silang gulat na parang hindi daw ako yung nagsulat.. [naks, touch naman ako.. :)]

~

ganito na lang, feel free to call me "uy" anytime..di nga, (may mga sobrang "ghoent! blah blah blah ghoent!" kasi eh.. funny, guys..haha) seryoso, i won't take it against you.. =) now that i think about it, kanya kanya lang naman talaga yun diba? choice mo yun e..siguro nga ang tinetest na lang dito ay ang abilidad kong makibagay, at makaintindi sa set ng values ng iba..hindi naman kasi ako diyosa ng kabutihan.. (kagandahan lang..ahem, sori i just had to say that..OT!)

tama ang sabi ng kaibigan kong si flo (ayan! nabanggit pa kita! shy-type ka jan!) ok lang naman na gamitin ang "oi, uy, etc" sa text eh..kasi kung ka-close mo naman na, equivalent na rin yun ng "chong, dude, tol, mehn, pre" (ayos talaga sa tawagan!)..pero kung bagong meet pa lang, dun na dapat medyo mag-ingat..kasi nga naman, nagfoform pa lang kayo ng relationship, pumapalya na agad sa basics.."tama, respeto dn nmn..pero sobrang sungit lng tlga ng dating ng blog mo.." <--hahaha!

~

seryoso... hindi ako salbahe, pranka lang ako. malalaman mo talaga kung ano ang nafi-feel ko dahil may pagka-transparent akong tao..at siguro kung ita-translate ko siya into words through this blog, marami ang pwedeng makamis-understand ng tono at carefree-words ko.. nga pala, if i offended some, (o tinamaan lang kayo..haha joke joke..seryoso..) hindi yun ang intensyon ko.. i was merely relaying what happened and how i felt about it.. =)

so much for that..buti na lang eh i was brought to my senses..ako na rin ang nagsabi, respeto lang..so i'd have to respect the others' set of principles as well.

~

nais ko lang idagdag na sobrang benta parin sakin ng video ng Mayonnaise na "'Pano Nangyari 'Yun?"!! hahaha..from start to finish, laughtrip talaga! iba talaga ang tribo ni Monty! kahit sa "Panaginip" eh panalo! haha..ito pala yung video para sa mga di pa nakanood..sana makita niyo sa tv kasi medyo madilim siya dyan..




it's a spoof of a couple of opm music videos..ayokong sabihin kung alin dahil bawal ang spoiler para sa mga dipa nakanood.. sobrang obvious naman eh! at nakakatawa talaga!! kapag kayo hindi nangiti even once, sabihin niyo lang, ahm..ako na lang magpapatawa sa inyo! ahihihi..

sige, gising na..napahaba yata post ko..nakahilik ka na ba? unhealthy yan!

wait, smile na ulit tayo! =)

Friday, October 06, 2006

res-pe-to-uy

"hoy, ui, uy, uyy, ui, uyy"


ako lang ba ang maarte sa ganyan?

~

hindi ko alam kung kapraningang matatawag ang magreact kapag may tumawag sa 'yo ng "ui." pero para sakin, NORMAL lang yun. lalo na kung paulit-ulit na ginagawa sa'yo ng isang tao, at lalo na kung sinabihan mo na nga ng pabiro, pero hindi pa rin na-pick up.

~

kahapon, umandar na naman ang katarayan ko. (posible niya nga pala itong mabasa [in the future pa naman kasi hindi niya pa ito alam, pero hindi imposible], pero ito na naman ako, may i-couldn't-care-less na attitude as of now.)

may i-mi-meet dapat kasi ako dahil may ibibigay ako sakanya. shempre may napagusapang time. nung nag-uusap kami through text the day before para sa details ng pagmeet namin, she kept on calling me "ui." e sa mga textan din dati pa, yun din ang tawag niya sakin. medyo na-off lang ako (lalo pa't she's two years younger! irita talaga ang mga bastos) kaya ji-noke ko na siya ng

"ui? cnung ui? may pangalan ako! hahaha"

dense mehn. or sadyang it's in her system. kasi nung magkikita na dapat kami the following day, hindi na nga siya sumipot, (to think na may scheduled akong finals right after the time na si-net namin!) eh nagtext pa around 20 minutes after the supposed time of meeting ng "ui sori ah..dalhin mo na lang tom etc..."

wowness. talaga namang nagpatong patong na lang siguro. ayoko kasi ng mga nag u-"uy," mga late sa usapan, (lalo na kung hindi dumating!! enjoy ba maghintay?) at dahil na rin muntik pa ako ma-late sa klase! isa bang "in-fairness" banat na may sori sa text? hayyss. buti na lang namove yung finals. badtrip talaga. kaya nagreply ako sa kanya mga 40 minutes after niya magtext.

"ghoent, (her name). the name's ghoent. i'll bring the..etc"

hayss. ang bait ko pa yata niyan. pero di siya nagreply. i'm sure nagulat yun. baka nagtataka lang kayo, hindi naman kasi kami close. so knowing na 2 years ahead ako, sana may konting pampalubag namang "ghoent" ang itawag sakin. hindi ko naman hiling na sambahin ako o tawaging "ate" e. hmm...

i'll bring her back to the earth kung walang ibang makagawa nun.

~

mahirap bang itayp o sabihin ang pangalan ng kausap? o kahit "ei" na lang kung wala na talagang space (for the record, yung mga text niya ay hindi even buong sentences. kaya marami pang spaaaace.) o hindi mo malunok ang pride mong sabihin ang pangalan nung tao e.

respeto kasi. yun lang yun. kung ang aso pinapangalanan, kahit halaman pa nga sa iba eh may pangalan, tao pa kaya? may ipinanganak bang "hoy" ang gustong itawag sa kanya? wala naman yata. tawagin na akong mababaw, pero yun ang paniniwala ko.

kapag hindi ko masabi ang pangalan ng isang tao, dahil wala ng espasyo o galit ako, i go straight to my point. sinasabi ko na lang ang dapat kong sabihin. wala nang "hoy" o panga-pangalan pa. wah, sana hindi masyadong galit yung dating nung post. nairita lang ako kasi sobrang pinapahalagahan ko ang respeto.

RESPETO lang!

~

wag na nating pahabain pa to. i think i made my point. plus, papasok na ako. magkikita nga pala kami niyan mamaya. haha, let's see kung anong mangyayari.